Ang aking matalik na kaibigan

 Ang kwento ng aming pagkakaibigan

    

                Ang aming pagkakaibigan ay nagsimula noong grade 5. New student siya at sa kabilang seksyon kaya hindi kami gaano magkakilala. Meron silang ibang grupo ng magkakaibigan na siya ay kasali, at ibang grupo naman ako. Pumasok ako sa Volleyball team at dun ko siya nakilala. Mas naging close kami noong grade 6 dahil naging magklasmate kami. Unti-unti kong nalaman na magkaparehas kami ng mga interes at dun parati na kaming nagkakausap. 


Parati na kaming magkasama, kahit saan kami pumunta. Naging mas masaya ang aming pagkakaibigan dahil pumasok sa grupo namin si Arthur at doon mas naging masaya na ang lahat. Pares kaming tatlo ng interes. Nauunawaan namin ang isa't isa. Magkasama kumain, pati pagbili ng pagkain magkasama kaming tatlo. 

Si larjah ay maunawain, matulungin, papakinggan ka kahit ang haba ng sinasabi mo. Di ka iiwan kahit kailan. Parati kaming magkaklase kaya hindi siya mahirap. Siya ay nakikinig at nagbibigay ng payo. Meron araw na ako ay tagong umiiyak at alam niya ang rason dahil sinabihan ko siya. Sinabi niya na sabihin ko nalang sa nanay ko. At magiging okay lang ang lahat, sabi niya maiintindihan nila yon.




Siya ang tipong kaibigan, na ayaw mong mawala. Siya ang kaibigan na kahit ang pinakasimpleng bagay sapat na para sa kanya. Yung tipong hindi ka iiwanan kahit may tae kana sa iyong buong katawan. Yung tipong papakinggan niya ang rason bakit ang dumi dumi mo. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Batik Design

Online classes

POLUSYON