PRODUKSIYON AND KONSUMPSIYON
Minsan sa isang tao
Personal na opinyon ni: V Blogs
Sa isang taon laman silang makaka harvest ng abaca, sa isang taon lang sila nakakakuha ng pera. Kung hindi sila makakakuha ng abaca at maibebenta ito, ang kanilang kina kain ay kamote lamang. Ang pagkain ng kamote lamang ay hindi maganda para sa nutrition ng kanilang anak, kulang sila sa protein. Ito ang kanilang kinakain dahil wala silang pera para sa maganda at masarap na ulam. Ngunit kahit nakakabenta sila ng abaca, hindi parin ito sapat para sa kanilang buhay. Maraming bata ang nagtratrabaho at tumutulong sa pagharvest ng abaca, para makatulong at para makapunta sila sa paaralan.
Marami akong natutunan sa storya na ito. Nang dahil sa kanilang paghihirap, maraming mga produkto ang nagagawa at kinokonsumo natin. Para sa akin, hindi patas na sa isang kilo ay 40 na pesos lang ang kanilang nakukuha na pera. Sa knailang pagsisipag, hindi parin sapat ang kanilang nakukuha. Maraming tao ang nagpapakahirap upang sila ay makakakain, nagpapakahirap upang magkaroon ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Natutunan ko na ang ganda ng buhay ko, kumpara sa iba. Na dapat magpasalamat ako araw-araw sa mga biyaya na dadating sa amin. Mahirap ang buhay ng iba, mas mahirap sa amin, ngunit nakaya nilang malampasan ang kanilang mga problema kasi merong silang inspiration. Sa aming pamilya kami ang inspiration ng aming ama, at ang aking pamilya ang aking inspiration para tumuloy sa aking pag-aaral. Maraming tao ang nagpapakahirap araw-araw upang mabigyan ng ngiti ang kanilang pamilya tuwing uuwi sila. Ang parehong tao na nagpapakahirap ay merong ngiti sa kanilang bibig, ngunit sa likod ng kanilang malaking ngiti ay ang pagod at sakit na kanilang nararamdaman.
Sa situasyon natin ngayon, halos wala akong matutulong sa ibang tao, ngunit matutulungan ko ang aking ama. Siya ay rason kung bakit meron kaming pagkain, at kami ang rason kung bakit nagpapakahirap siya. Wala man akong magagawa para sa iba, mapapangiti naman namin ang aming ama dahil sa aming masayang personalidad. Matutulungan din namin siya, sa pag-iwas ng pagbili ng mga gamit na hindi namin kailangan. Marami tayong hangad sa buhay, alam natin na gagawin natin lahat para makamit ang ating pangarap. Wag tayong tumingin sa ibang tao ng mababa, dahil hindi natin alam ang kanilang pinagdadaanan. At kung ano ang kanilang ginawa upang maabot ang kanilang pangarap sa buhay. Wag tayong mag tapon o magsayang ng pagkain dahil, hindi lahat ng tao ay nakakakain nito. Kahit sabihin mo na "hindi naman nila makakakain, kung itatapon natin", mag-isip tayo, na nakakakain tayo ng masarap na ulam, at ang iba ay nagpapakahirap para makakain ng bigas.
Source:
Bases of blog opinion (Youtube):https://www.youtube.com/watch?v=yW9tT0XafhY
PICS NOT MINE
OWN OPINION
There are no shortcuts to any place worth going.” – Beverly Sills
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento