PAGIGING TAO /PAGIGING MAKATAO

Alin sa dalawa ang naging madali sa inyo “ Ang pagiging tao o pagiging makatao ?


    Iba't iba tayo ng karanasan, iba't iba tayo ng pagkatao. Para sa akin mas naging madali sakin ang pagiging makatao, ganon na ako lumaki at hindi ko na ito mabago sa aking pagkatao. Ako ang klase ng tao na kahit alam kong dehado sa parte ko, ay gusto ko paring tumulong at maging mabait sa kanila. Para sa akin ang pagiging makatao ay “basic human decency”. Kahit kailan hindi naging mas madali sa akin ang pagiging tao, hindi ko kakayanin ang pagiging tao, dahil baka ang aking kilos ay lumabas bilang “wala akong respeto” Ako ang tinatawag nilang “people pleaser” na tao, kahit alam kong mali sila o kahit inis na inis na ako dito ay sinusubukan kong isipin ang kanilang panig, ano ang dahilan bat nila ginawa/hindi ginawa yon, bakit kailangan niya nito?. 

     Isang halimbawa ay ang mga group activities, ako ang uri ng estudyante na kapag walang leader na ibinigay ay ako ang nangunguna sa aming pangkatang aktibidad, ginagawa ko ang aking makakaya na mabigyan ng gawain ang bawat miyembro ng grupo para ito ay patas, ngunit meron talagang mga miyembro na hindi gumagawa ng kanilang gawain, at tuwing pasahan na ay wala na silang naiambag sa grupo dahil ako o isang ka miyembro namin ang sumalo sa kanyang parte, at kung tatanungin mo sila kung bakit hindi nila ito ginawa, wala silang maisagot, sa loob ng utak ko ang dapat kong gawin ay hindi siya ilalagay sa grupo dahil wala naman siyang nagawa, ngunit sa puso ko ang dapat kong gawin ay ang bigyan siya ng gawain na alam ko na makakaya niyang gawin, dito banda may naiambag siya sa grupo kahit hindi ito ang kanyang original na gawain, at kahit huling minuto niya na ito nagawa. 

    Sa halimbawa na ito, kahit alam kong pwede namang hindi siya isali, binigyan ko pa rin siya ng gawain dahil hindi ko naman alam kung bakit hindi niya ito nagawa, ayaw ko maging insensitive na tao. Mas madali para sa akin ang pagiging makatao dahil yan na ang aking nakasanayan gawin. 


“There are two categories of people on earth:
1. Human beings.
2. HuMANE beings.”
― Michael Bassey Johnson, Song of a Nature Lover

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Batik Design

Online classes

POLUSYON