OPEN LETTER
OPEN LETTER PARA SA MGA TATAKBONG PULITIKO
Bilang isang bata at mamamayan, meron akong mga personal na opinyon na maaring makatulong. Unahin ang mamamayang nangangailangan. Bigyan ng sapat na serbisyo at benipisyo ang mga tao. Tulungan ng buo ang mga taong nangangailangan, wag silang pabayaan. Ang mga budget na meron ang pamahalaan ay dapat gamitin sa mga nakakatulong at nakakaayos ng ating bansa at pamayanan, hindi lang sa mga proyektong wala silbe at hindi naman nakatutok sa kagandahan ng ating bansa/pamayanan.
Kahit sa kaliitang paraan ng pagtulong ay napakalaki na nyan sa ibang tao. Kahit simpleng pagkain at bigas lang ay malaking tulong na yan sa mga pamilyang nagugutom. Kahit konting unan at kumot, ay nakakatulong yan sa mga pamilyang walang matulugan. At kahit andami niyong ibabago at matutulungan, hindi parin yan magiging sapat kung hindi natin papalitan ang ating systema.
Ang systema ng ating pamahalaan ay hindi patas. Karamihan sa mga kinukulong ay ang mga mahihirap. Kung ang kalaban ng mahirap ay mayaman ang mayaman ang nananalo. Merong mga tao na ginagamit ang kanilang yaman laban sa mga mahihirap upang manalo sa kanilang kaso, kahit alam nilang sila ang nakasala. Kung babaguhin natin ang ating systema, maraming innosenteng tao lalo na yung mga walang kaya ang makakalaya at makakakuha ng hustisya.
Hindi man ito sapat na ebidensya upang ma bago ang ating pamamaraan, ngunit dapat nating isipin na nasa ating kamay ang buhay ng libu-libung ka tao. Nasa inyong kamay at nakasalalay sa inyong gagawin at mga desisyon ang kinabukasan ng mga kabataan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento