Pagtulong sa kapwa

PAGBIGAY NG DAMIT SA KAPWA

        Kami ang tipo ng pamilya na maraming gamit at damit ngunit hindi lahat ay ginagamit. Marami kaming damit na naka lagay lang sa cabinet. At noon ako ang tipo ng bata na ayaw mangbigay. Habang kami ay lumalaki, lumiliit din ang aming mga damit kaya napag-isipan ng aking nanay na ipagbigay ang mga damit na hindi na namin kailangan. At noong ito ay aming ginawa at nabigay kona ang aking mga damit ako ang naging masaya. Hindi ko alam na nakakagaan pala ito ng loob.

        Marami kaming nabigyan gaya nang trisikad driver, kapitbahay at yung naglalabada sa amin noon. Napangiti ako noong nakita kong ngumingiti rin sila kaya gusto konang mamigay. Kadalasan mga damit ko ang binibigay dahil babae ang kanilang anak. Wala akong picture sa pagbibigay dahil noong panahon hindi ko naman kailangan ng picture bakit ko naman ipagyayabang na namimigay ako? sa pamimigay namin ng damit natutulongan namin sila at natutulongan nila kami dahil sa kanilang ngiti na ipinapakita.

        Ang mga damit ay sinosortout namin at nilalagay namin sa bag. At kung kami ay namimigay ng damit. namimigay naman ng damit ang auntie namin sa amin. Kaya nakakatawa nalang dahil kung nawalan kami ng damit, may bago naman na darating. Ang kanilang mga anak ay parating nakangiti kapag nakakita na kami ay may dalang bag patungo sa kanila. Hindi ko maipaliwanag ang mga nararamdaman ko parang ang saya ko at nagsisi din ako na hindi ko ito ginawa ng maaga na naging makasarili ako. Hindi ko alam na ang konting damit nakakapasaya pala ng ibe. Kung maaga ko itong ginawa mas marami kaming napasaya.

        Hindi naman ang yaman ang sukat sa pamimigay kung gusti mo talagang mamigay, mamigay ka. Walang namang tumitigil sayo. Malay mo ang konting bagay na binigay mo ay malaking tulong na pala sa kanila. Ang makikita nya sa ibaba ay kung ano ang itsura ng mga damit bago ibigay at bago ilagay sa bag. Wala kaming saktong picture dahil wala naman kaming pake sa picture noon, hindi naman kami namigay para i post sa facebook. Namigay kami dahil gusto naming makatulong at magpasaya ng tao.


ito ang mga damit para sa mga bata

ito ang damit para sa magulang




    

        

        

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Batik Design

Online classes

POLUSYON