OPEN LETTER

 Open Letter para sa mga Lider ng ating bansa


                            Nananawagan ako na pagtuunan natin ng pansin ang mga suliranin ng iba't ibang sektor ng lipunan. Dahil halos lahat ng maaapektuhan ng mga problemang ito ay ang mga tao, lalo na ang mga nagtatrabaho at mahihirap. Marami tayong problema ngunit hindi natin natugunan ang mga mahahalagang problema.

                           

                        Sa impormal na sektor, maraming paglabag ang nagaganap. At ito ay dahil sa hindi pagkakapantay-pantay. Sa mga prosesong nagaganap, madalas nilang inuuna ang mga may pera at may mga koneksyon, kaya nahihirapan, at hindi na lang dumaan sa tamang proseso, ang mga tao. Sa sektor ng agrikultura, napapansin kong sila ang laging pagod, ngunit sila rin ang nagsusumikap. Isa sa mga problem nito ay ang kakulangan ng mga programa at suportang pinansyal, kakulangan ng mga pagkakataong ibinibigay sa kanila.

                          

                        Maaayos natin ang mga problemang ito sa pamamagitan ng pakikinig sa mga reklamo at pagtulong sa mga taong nagdurusa, Kailangan nating sundin ang tamang proseso ng mga bagay. Kailangan nating magbigay ng kapital o tulong pinansyal sa ating mga magsasaka, mangingisda at iba pa, upang sila ay makabangon, at hindi na mahirapan.

                        Nananawagan ako sa inyo bilang isang mag-aaral na nakikita ang paghihirap ng sambayanang Pilipino. Kung ang solusyon ay hindi magagawa ngayon, kailan pa? Marami tayong pondo, para sa ating mga kababayan, at hindi lang pondo ang problemang kayang lutasin kundi kailangan ding baguhin at pagbutihin ang sistema ng ating bansa. Sistema ng mga dokumento at iba pa.


                                                                               Salamat po. 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Batik Design

Online classes

POLUSYON